2020
ENFORCEMENT AND INVESTOR PROTECTION DEPARTMENT
SEC ADVISORY
MAG-INGAT SA SCAM
Patuloy na kumakalat ang scams na nambibiktima sa publiko na sumali sa anumang negosyo o pagkakakitaan na may pangakong tubo na saklaw ng produktong pinansyal na tinatawag na investment/securities.
Para 'wag maloko ng INVESTMENT SCAM, tandaan ang mga sumusunod:
A. MAG-RESEARCH, MAGING MAPANURI AT MAGTANONG.
1. KILALANIN ANG KAUSAP O ANG NAG-AALOK.
a. Alamin ang kanyang pangalan, saan siya nagtatrabaho at kung ano kanyang posisyon. Kuhanin ang mga importanteng detalye tulad ng company I.D., government I.D., contact number at e-mail address.
b. Kung ang iyong kausap ay 'di mo kilala, isang kamag-anak o kaibigan, siya ba ay isang ahenteng lisensyado ng SEC upang mangalap ng investment o manghikayat ng pamumuhunan sa pamamagitan ng securities? I-verify sa: http://cmprs.sec.gov.ph/ 'Wag basta magtiwala kahit sa taong kilala mo.
2. ALAMIN ANG KUMPANYA.
a. Ang kumpanya ba na nag-aalok ng investment ay lisensiyado ng SEC?
Tandaan, 'di sapat ang rehistrayon sa SEC bilang isang korporasyon o sa ibang ahensiya ng pamahalaan gaya ng Department of Trade and Industry (DTI), Cooperative Development Authority at Bureau of Internal Revenue (BIR) para...